Dating bodyguard ni Jessica Alfaro… sinibak na NBI agent pinatay

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala sa loob ng isang gym sa Makati City ang isang dating miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakilala dahil sa naging bodyguard ito ni Jessica Alfaro ang nag-iisang witness sa kontro­ber­siyal na Vizconde mas­sacre.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si John Herra, 44, residente ng #503-A Hizon St., Barangay Bangkal ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:40 ng umaga ay nasa loob ng Republic Fitness Gymnasium na matatagpuan sa M. Reyes, Barangay Bangkal si Herra nang pumasok ang isang suspek na nagpanggap na customer at pagkakita sa biktima ay agad itong pi­nagbabaril.

Si Herra ay nasangkot sa iba’t ibang kontrober­sya noong ito ay nasa NBI pa at sinibak noong 2000 dahil sa umano’y masamang pag-uugali.

Naging malaking assignment nito ay noong maging bodyguard siya ni Alfaro.

Show comments