MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng daÂlaÂwang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang radio brodkaster sa harapan ng isang gasoline station kahapon ng umaga sa natioÂnal highway ng KaÂbasalan, Zamboanga Sibugay.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Kabasalan Hospital dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Mario Baylosis, 33.
Ang biktima ay announcer ng Radio Natin na nakabase sa nasabing lalawigan at residente ng Brgy. Goodyear, Kabasalan ng lalawigan ito.
Batay sa ulat, bandang alas-11:25 ng tanghali ay papauwi na ang biktima galing sa kanyang prograÂma at sakay ng kulay puÂlang Baja motorcycle (4890) nang ito ay sundan ng mga suspek na magkaangkas sa kulay asul na XRM motorcycle na walang plaka.
Pagdating sa harapan ng Phoenix Gasoline Station sa nasabing lugar ay agad itong pinagbabaril ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos bumagsak sa motorsiklo ang duguang biktima.
Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa krimen.