^

Police Metro

Nakipagtalo sa bebot, rider dinedo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang rider matapos saksakin sa leeg ng isang hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay nakikipagtalo sa isang bebot sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Rizal Medical Center (RMC) ang biktimang si Raymond Wesly Guentheor, 43, nakatira sa Blk. 53, Lot 3, Mansanas St., Brgy. Rizal, Makati City.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Insp. Rodrigo De Dios, hepe ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasig City Police, dakong alas-4:20 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Plaza Rizal, Brgy. San Jose sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Lardy Ignacio, nabatid na ilang nakasaksi sa krimen ang nagsabi na bago ang pamamaslang ay sakay umano ng kanyang kulay itim na Kawasaki Fury na may plakang TC-9770 ang biktima nang huminto at nakitang nakikipagtalo sa isang hindi nakilalang bebot sa Plaza Rizal.

Habang nagtatalo ang dalawa ay dumating ang isang lalaki at walang sabi-sabing sinaksak sa leeg ang  biktima bago kaswal na naglakad palayo sa lugar.

Kahit duguan, nagawa naman ng biktima na makarating sa P. Burgos St. at sumakay sa pampasaherong jeepney na minamaneho ni Perlito Cervantes.

Sapu-sapo ang leeg ay napahiga na lang sa flooring ng jeep ang biktima kaya kaagad humingi ng saklolo sa mga miyembro ng Barangay Cuidad Enforcement Office si Cervante para maisugod ito sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

BARANGAY CUIDAD ENFORCEMENT OFFICE

BRGY

BURGOS ST.

KAWASAKI FURY

LARDY IGNACIO

MAKATI CITY

MANSANAS ST.

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PLAZA RIZAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with