Sakit na ‘agnas laman’ pinatututukan sa DOH

MANILA, Philippines - Pinatututukan nga­yon ng Malacañang sa Department of Health (DOH) ang ulat na naka­pasok na sa bansa ang sakit na tinatawag na ‘flesh-eating disease’ o agnas laman.

Pero nagbabala si De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte na tingnan munang mabuti ang nasabing report upang hindi magdulot ng alarma sa publiko lalo pa’t hindi pa naman ito beripikado.

Ayon pa kay Valte,  sen­sitibo ang nasabing ulat at dapat itama ang mga impormasyon tungkol dito bago magbigay ng babala sa publiko.

Nauna rito napaulat na isang Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwi sa bansa na nagtataglay ng nasabing sakit.

Kalat na umano nga­yon sa bansang Hongkong ang flesh-eating disease o agnas laman na sakit.

Show comments