POEA nagbabala sa mga nag-aalok sa internet ng nursing jobs sa Singapore

MANILA, Philippines - Mag-ingat sa mga scammers na nag-aalok ng nur­sing jobs sa Singapore.

Ito ang naging babala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Filipino medical workers kasunod nang pag-alerto ni Mr. Tan Zhiyi, ng Human Resource Division ng Singapore General Hospital.

Ayon kay Tan, maraming inquiries silang natatanggap mula sa ilang manggagawang Pinoy hinggil sa authenticity ng mga job offers na natatanggap ng mga ito mula sa email addresses na singaporegenhosp@zoho.com,  singaporegeneralhosp @ojooo.com at singapo­regenhosp@hush.com.

Nakasaad umano sa email na hinihimok ang mga Pinoy workers na magtrabaho sa Singapore General Hospital.

Inaatasan din umano ng mga ito ang kanilang target victims na magbayad ng P3,800 para sa kanilang visa interview preparation fee sa isang bank account.

Itinanggi ni Tan na ga­ling sa kanila ang mga email.

 

Show comments