Working birthday si PNoy

MANILA, Philippines - Hindi magbabakasyon si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang kaarawan kaya magiging wor­king birthday pa rin ito para sa pangulo, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay Usec. Valte, tulad ng dati ay nagtatrabaho pa din ang Pangulo kahit sa kanyang kaarawan. 

“In the times that the President celebrated his birthday in office, lagi naman pong working ‘yung kanyang kaarawan,” wika pa ni Valte.

Naunang sinabi ni PNoy na wala siyang ka-date sa darating niyang ika-53 kaarawan at malamang ay ang kanyang pamangkin na si Joshua ang kanyang kasama.

Maging ang nalalapit umanong Araw ng mga Puso ay wala rin siyang ka-date kundi ang kanyang pamangkin.

Idinagdag pa ni Valte, bukas (Martes) ay magtutungo ang Pangulo sa Davao para sa Philippine Development Forum.

 

Show comments