24,419 napagsilbihan ng Caloocan library

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ni Ca­loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na umabot sa 24,419 residente at mga estudyante ang napagsilbihan ng city library ng lungsod na layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga naninirahan sa siyudad.

Base sa ulat na isinumite ng Cultural Affairs and Tourism Office (CATO), simula noong Enero hanggang Disyembre ng taong 2012 ay uma­bot sa 24,419 ang napagsilbihan ng city library na matatagpuan malapit sa Caloocan High School sa 10th Avenue.

Ayon kay Echiverri, ba­gama’t madali na ang pagsasaliksik ngayon gamit ang makabagong tekholohiya tulad ng internet ay marami pa ring mga estudyante at residente ang nagpapasyang magtungo sa city library upang madagdagan ang kaalaman ng mga ito gamit ang libro.

 

Show comments