Colorum vehicles hindi muna huhulihin

MANILA, Philippines - Itinigil muna pansamantala ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang paghuli sa mga colorum vehicles sa bansa laluna sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Ito ang inihayag ni LTFRB Chairman Jaime Jacob upang bigyan daan ng ahensiya ang pag­diriwang sa holiday season, subalit sa unang buwan ng susunod na taon ay sisimulan na ulit ang panghuhuli.

Gayunman, abala na­man ang mga tauhan sa paghuli sa mga isna­berong taxi drivers na ayaw magsakay ng pasahero sa mga malls at aba­lang lansangan ngayong Kapaskuhan.

Show comments