Tserman, anak niratrat ng tandem

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang barangay chairman ha­bang malubhang nasuga­tan ang anak nito na mi­yembro ng Sangguniang Kabataan matapos na sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Mexico, Pampanga.

Ang namatay ay kinilalang si Jose Gonzales Jr., Chairman ng Brgy. Parian matapos tamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Malubha ang tama at isinasalba ang buhay sa pagamutan sa San Fernando City ang anak nitong si SK member Jason Gonzales.

Batay sa ulat, pasado alas-11:00 ng umaga ay sakay ang mag-ama ng barangay patrol service vehicle patungo sa Brgy.Poblacion.

Walang kamalay-malay ang mag-ama na sila ay sinundan ng riding-in-tandem suspek at pagda­ting sa Brgy. San Miguel ay pinagbabaril sila ng mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman ang pulitika sa motibo ng pamamaril sa mag-ama.

Show comments