Alyssa, Sisi out sa tryout
MANILA, Philippines — Pormal nang isiniwalat ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pangalan ng mga imbitado sa tryout ng women’s national team.
Inihayag ng PNVF ang pangalan ng 33 players mula sa Premier Volleyball League, UAAP at ilang teams ang tinukoy ng PNVF para sumalang sa tryouts.
Subalit napansin ng netizens ang pagkawala ng ilang key players.
Kabilang na rito sina Creamline outside hitters Alyssa Valdez at Jema Galanza gayundin si wing spiker Ivy Lacsina ng Akari Chargers.
Wala rin ang pangalan nina outside hitter Sisi Rondina at playmaker Deanna Wong ng Choco Mucho Flying Titans.
Kabilang sa mga imbitado sa outside hitters sina reigning UAAP MVP Bella Belen, Vangie Alinsug, Angel Canino, Vanessa Gandler, Eya Laure, Alleiah Malalulan, Arah Panique, Glaudine Troncoso, Brooke Van Sickle, Shaina Nitura at Savannah Davidson.
Gayunpaman, wala pang pinal na desisyon ang PNVF sa magiging final composition ng national pool kaya’t posibleng maimbitahan pa ang ibang players sa oras na magsimula na ang tryouts at training na hahawakan ni Alas Pilipinas head coach Brazilian Jorge Edson Sauza de Brito.
- Latest