Destinasyon ni Baltazar

Base sa overall performance ng mga koponan sa previous season ang order ng PBA draft.

Forty percent ang puntos mula Philippine Cup ranking at 30 percent each ang sa Commissioner’s Cup at sa Governors’ Cup.

Pero magkakaroon ng pagbabago ang percen­tage points dahil limitado sa two conferences ang PBA Season 48.

Gayunman, kahit ano pa ito, mukhang mapupun­ta sa Converge FiberXers ang top draft rights sa Season 49 Rookie Draft Rites.

Tabla sila ng Blackwater sa kartadang 1-10 no­ong nakalipas na Commissioner’s Cup. At sa­mantalang nakaratsada ang mga Bossing sa pa­nimula ng Philippine Cup, nanatiling sadsad ang mga FiberXers.

Mukhang sasampa na si MPBL star Justine “Balti” Baltazar sa PBA next season, at malamang na ang koponan ni coach Aldin Ayo ang kanyang destinasyon.

At balik-PBA din kaya si Encho Serrano para sa­mahan si Baltazar sa Converge?

Iyan eh kasama sa mga bulung-bulungan.

Ang palaisipan pa eh, ang career plans ni Carl Tamayo. Maghahanap kaya ng bagong koponan sa Japan o titingin ng ibang destinasyon.

Show comments