Nagpakondisyon

Papatapos na ang tatlong buwan na serye ng tuneup games sa PBA On Tour.

At naniniwala ang mga PBA officials na na-serve nito ang purpose na panatilihing nasa playing condition ang mga manlalaro samantalang pahinga ang regular PBA season sa pagbibigay-daan sa preparasyon ng Gilas Pilipinas sa parating na FIBA World Cup.

Samantala, ang may mga iniindang injuries eh, nagkaroon ng pagkakataong ipahinga ang kanilang mga katawan.

At umaasa ang mga PBA officials na ang lahat ay nasa tip top shape sa pagbubukas ng PBA Season 48 sa October.

Siyempre, ang mga nagseryoso ng labanan sa On Tour ang tatapos na nasa tuktok ng team stan­dings. Numero uno ang Magnolia na tumapos na may perfect 11-0 slate.

Walang pinaglabanang championship. Pero naniniwala si coach Chito Victolero na makakatulong sa kanila ang pagseseryoso ng paglalaro sa preseason series.

For one, nakahugot sila ng magandang momentum. Nandiyan din ang patuloy na bonding ng kanilang mga manlalaro.

Ganoon din ang pananaw ni Rain or Shine coach Yeng Guiao, kaya nga agad nilang tinanggap ang invitation na lumaro sa Jones Cup sa Taipei upang makalaro pa ng karagdagang tuneup games.

Sa PBA On Tour, papatapos na runner-up ang mga Elasto Painters tangan ang 8-2 card.

Salamat sa On Tour, nakondisyon ang mga Hotshots at Elasto Painters.

Show comments