^

PM Sports

Lastimosa excited makatapat si Cone sa Finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging coach at player ay magkikita sina Tim Cone at Jojo Lastimosa bilang magkalaban sa best-of-seven championship series ng nagdedepensang Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga sa 2023 PBA Governors’ Cup.

Hinawakan ni Cone si Lastimosa sa Alaska kasama sina PBA le­gends Johnny Abarrientos at Bong Hawkins para hablutin ang Grand Slam crown noong 1996.

Isa rin si Lastimosa sa nagbigay sa 65-anyos ngayong si Cone ng kauna-unahang PBA title nito bilang coach nang magkampeon ang Aces noong 1991 Third Conference.

“He’s been there. He’s done that. Everyone is rallying for them and everybody is expecting that Ginebra will win this championship anyway,” ani Lastimosa sa dati niyang mentor.

Puntirya ni Cone ang kanyang ika-26 PBA crown bilang coach at pipiliting igiya ang Gin Kings sa pang-16 titulo.

Ito naman ang unang finals appearance ng 59-taon ngayong si Lastimosa bilang interim coach ng Tropang Giga na target ang pang-siyam na kampeonato.

Sinibak ng Ginebra ang San Miguel via 3-0 sweep habang pinatalsik ng TNT ang Meralco, 3-1, sa kani-kanilang best-of-five semifinals series.

“Going to the series, I like my chances. Our players are playing well,” sabi ng 10-time champion player sa pagharap ng kanyang Tropang Giga sa Gin Kings ni Cone.

Nakatakda ang Game One sa Abril 9 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with