^

PM Sports

Caloy swak sa La Salle coaching staff

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Buo na ang coaching staff ng De La Salle University para sa susunod na season ng UAAP men’s basketball tournament.

Pormal nang kinuha ng La Salle si veteran mentor Caloy Garcia para maging assistant coach.

Kamakailan lamang ay pinangalanan si Topex Robinson bilang head coach ng Green Archers.

Hindi lamang lineup nito ang pinapalakas ng pamunuan ng Taft-based squad ma­ging ang coaching staff nito na hahawak sa programa ng Green Archers.

Masaya si Garcia sa tiwalang ibinigay sa kanya ng pamunuan ng La Salle na itinuturing nitong isa sa pinakamagandang organisasyon sa liga.

Personal na nitong nakasalamuha ang mga players ng La Salle sa kanilang regular training session.

Umaasa ang La Salle na madadala ni Garcia ang malalim nitong coaching expe­rience sa Green Archers.

Bahagi si Garcia ng coaching staff ng Rain or Shine Elasto Painters sa PBA.

Nilinaw ni Garcia na nagpaalam muna ito kina Rain or Shine team owner Raymond Yu at head coach Yeng Guiao para sa magiging schedule dahil mahahati ang oras nito sa Elasto Painters at Green Archers.  

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with