Brownlee Pinoy na!

Nasa larawan sina (mula kaliwa) SBP Deputy Executive Director Butch Antonio, Sen. Francis Tolentino, Justine Brownlee, Juliet Marie de Leon Ferrer, Sen. JV Ejercito at SBP Executive Director Sonny Barrios.
SBP photo

MANILA, Philippines — Pormal nang maituturing na isang ganap na Pilipino si Justin Brownlee para katawanin ang Gilas Pilipinas sa mga international competitions.

Ito ay matapos maisa­gawa ang Oath of Allegiane sa harap ni Sen. Francis Tolentino sa opisina nito sa Philippine Se­nate sa Pasay City.

Dalawang bagay na lamang ang kailangang gawin ni Brownlee — ang mabigyan ng certification of naturalization mula sa Bureau of Immigration and Deportation at ang Philippine passport mula sa Department of Foreign Affairs na gagamitin nitong patunay ng kanyang pagiging naturalized.

“As a citizen, I will try my best to make the Filipino people proud. I want to keep making you guys proud and to do whatever I can to help the national team,” ani Brownlee.

Inaasahang makukumpleto ito ni Brownlee sa mga susunod na araw sa tulong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Minamadali ito ng SBP dahil sasalang agad si Brownlee kasama ang Gilas sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

Haharapin ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Pebrero 24 kasunod ang Jordan sa Pebrero 27 sa labang parehong gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“I feel great and I’m pretty excited to be representing the country,” wika pa ni Brownlee na suot ang tradisyunal na Barong Tagalog sa kanyang pa­nunumpa.

 

Show comments