^

PM Sports

Basketball playoffs galore

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Papatapos ang taong 2022, halos sabay-sabay ang mainit na closing stages ng mga pangunahing liga sa bansa PBA, UAAP, NCAA at MPBL.

One win away sa korona ang Letran Knights (sa NCAA) at ang Nueva Ecija Rice Vanguards (MPBL), pasimula ang title rematch sa pagitan ng UP Maroons at Ateneo Blue Eagles sa UAAP at dumadagundong na ang simula ng PBA Commissioner’s Cup playoffs.

Nagmamadali ang lahat na tapusin ang kani-kanilang season bago magbigay daan sa higanteng event na ihahatid ng bansa sa buong mundo--ang FIBA World Cup 2023.

Bago ang FIBA event, nakalinya ang Maroons na lumilok ng UAAP history – ang posibleng back-to-back championships. Ito eh kung kakayanin nila ang tangka ng Eagles na iresbak ang kanilang talo last year.

Sa NCAA, naka-amba ang Knights na tumahi ng three straight championships, bagay na nakamit ng Letran sa panahon nina Samboy Lim at Romy Ang noong 1982-84.

Sa PBA, malupit  ang simula ng San Miguel Beer sa playoffs kontra Converge, dala ang full strength sa pagbabalik nina June Mar Fajardo at Terrence Romeo.

Hindi naman nagpaiwan ang Ginebra Kings at ginulpi ang NorthPort Batang Pier sa Game 1 ng kanilang sariling best-of-three quarters showdown.

Ngayong gabi naman magtatangka ang Bay Area Dragons at Magnolia Hotshots na tapusin ang kampanya ng Rain or Shine Elasto Painters at Phoenix Fuel Masters.

Ang sabi ng marami, nagbabadya ang Bay Area-SMB at Ginebra-Magnolia Final Four matchups.

 Fiesta ang Filipino cage fans, at magagandang playoff matches ang nakasalang sa mga susunod na araw.    

BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with