^

PM Sports

Gazz Angels target ang PVL crown

Chris Co - Pang-masa
Gazz Angels target ang PVL crown
Na-blocked ni MJ Phillips ng Petro Gazz ang kill ni Ces Molina ng Cignal sa Game 1.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ibubuhos na ng Petro Gazz ang lahat ng lakas nito para masiguro ang korona sa pagsagupa nito laban sa Cignal HD sa Game 2 ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence best-of-three championship series ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang muling pagtutuos ng Gazz Angels at HD Spikers sa alas-5:30 ng hapon.

Lalarga rin ang bakbakan ng Creamline at Chery Tiggo sa Game 2 ng kanilang sariling best-of-three, battle-for-third sa alas-3:30 ng hapon.

Abot-kamay na ng Gazz Angels ang korona matapos masikwat ang pukpukang 25-21, 27-25, 37-35 panalo sa Game 1 ng serye noong Huwebes.

“Siguro yung lesson lang sa amin against Cignal, nabitawan namin  yung third set doon. Nawala yung complacency na kapag naka-dalawang set na kami, may chance na mag-off nang kaunti,” ani Petro Gazz head coach Rald Ricafort.

Walang iba kundi si American import Lindsey Vander Weide ang pangunahing sasadalan ng Gazz Angels sa opensa.

Pumutok ng husto si Vander Weide sa series opener kung saan nagpakawala ito ng 31 attacks kasama ang dalawang blocks at isang ace.

Solido rin ang produksiyon ng mga local players partikular na sina wing spikers Myla Pablo at Aiza Maizo-Pontillas gayundin sina middle blockers MJ Phillips at Remy Palma.

Kasama pa ng tropa si ace playmaker Djanel Cheng at libero Bang Pineda na maganda ang kumbinasyon para makabuo ng solidong play sa kanilang teammates.

Sa kabilang banda, kakayod ng husto ang Cignal para maipuwersa ang rubber match.

Aasahan ng Cignal si American import Tai Bierria ngunit kailangan nito ng tulong mula kina Ces Molina, Roselyn Doria, Riri Meneses at Angeli Araneta. 

PETRO GAZZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with