^

PM Sports

Braves kampeon sa PBA 3x3 Season 2

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinapitan ng Cavitex ang tikas nina Dominick Fajardo at Chester Saldua upang pagulungin ang Platinum Karaoke, 21-13 at sikwatin ang titulo sa PBA 3x3 Second Confe­rence Season 2 kahapon sa Robinsons Place Nova­liches.

Tumikada si Fajardo ng siyam na puntos habang pito ang inambag ni Saldua para sa Braves na sinungkit ang P100,000 premyo.

Bumakas din si Jorey Napoles ng limang puntos para sa Cavitex na nakauna agad ng 10-2 sa simula ng bakbakan.

Si Tzaddy Rangel ang isang miyembro ng Cavitex na ginagabayan ni coach Emman Monfort.

Nakopo ng Karaoke ang P50,000.

Nakuntento naman ang Pioneer Elastoseal sa ika-3 puwesto nang silatin ang Barangay Ginebra, 17-14 para sa P30k

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with