^

PM Sports

NLEX gustong makadalawa

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patibayan ng puso ang papagitna sa giyera ng Meralco at NLEX para sa target na playoff sa isang silya sa eight-team quarterfinal round ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Magkikita ang Bolts at Road Warriors ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang laban ng Ginebra Gin Kings at Converge FiberXers sa alas-5:45 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hawak ng guest team na Bay Area ang 10-2 record sa itaas ng Magnolia (9-2), Converge (8-3), Ginebra (8-3), San Miguel (6-5), NorthPort (6-6), Phoenix (6-6), Rain or Shine (5-6), Meralco (4-6), NLEX (4-7) at mga sibak nang TNT Tropang Giga (4-8), Blackwater (3-9) at Terrafirma (1-11).

Nagmula ang Bolts sa 96-108 kabiguan sa Hotshots habang itinakas ng Road Warriors ang 120-117 overtime win laban sa Gin Kings para tapusin ang kanilang five-game losing skid.

Pilit na bubuhayin ng Meralco ang kanilang tsansa sa quarterfinals na hangarin din ng NLEX.

Sa ikalawang laro, palalakasin ng Ginebra ang kanilang tsansa sa No. 2 para sa ‘twice-to-beat’ advantage sa quarters laban sa No. 8 team.

 

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with