^

PM Sports

Cool Smashers, HD Spikers unahan sa 2-0

Chris Co - Pang-masa
Cool Smashers, HD Spikers unahan sa 2-0
Hinatawan ni Jema Galanza ng Creamline si Jacqueline Acuña ng Cignal sa una nilang paghaharap sa elims.
PVL photo

MANILA, Philippines — Puntirya ng Creamline at Cignal na mapanati­ling malinis ang rekord nito upang makadikit sa unang tiket sa finals sa pagpapa­tuloy ng PVL Reinforced Conference round robin se­mifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Cool Smashers at HD Spikers sa alas-2:30 ng hapon habang magtutuos naman ang Chery Tiggo at defending champion Petro Gazz sa alas-5:30 ng hapon.

Bakbakan ang Creamline at Cignal sa solong liderato matapos igupo ang kanilang kalaban sa opening day ng Final Four noong Huwebes.

Sosyo sa liderato ang Cool Smashers at HD Spikers tangan ang parehong 1-0 marka habang may magkatulad na 0-1 naman ang Crossovers at Gazz Angels.

Aasahan ng Cool Sma­shers si outside hitter Yeliz Basa na minanduhan ang kanilang tropa sa 25-21, 25-20, 25-23 panalo kontra sa Gazz Angels.

Solido rin ang suporta ng local players partikular na sina team captain Alyssa Valdez, Jema Galanza at Ced Domingo na maaasahan ng husto sa opensa.

Kaya naman kailangan ng Cignal na ilabas ang lahat ng alas nito para pigilan ang Creamline sa attack line.

Ipaparada ng HD Spikers si American reinforcement Tai Bierria na humataw ng 21 puntos sa kanilang huling laro.

Naitarak ng HD Spi­kers ang 28-26, 25-17, 25-23 panalo sa Crossovers para makalapit sa finals berth.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with