Harshavardhan kampeon sa Asian boys chessfest
MANILA, Philippines — Pinagharian ni International Master (IM) Harshavardhan G B ng India ang Asian Juniors and Girls Chess Championships na idinaos sa Knights Templar Ridge Hotel sa Tagaytay City.
Pinili ng 19-anyos na si Harshavardhan na makipag-draw kay IM Sugar Gan-Erdene ng Mongolia para angkinin ang gold medal sa torneong pinamahalaan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
Tinapos niya ang nine-round competition bitbit ang 7.0 points mula sa limang panalo at apat na draws sa event na nilahukan ng 52 batang chess players mula sa 11 Asian countries.
- Latest