Beverley pinatawan ng suspensyon

NEW YORK — Pinatawan ng NBA si veteran guard Patrick Beverley ng Los Angeles Lakers ng isang three-game suspension.

Ito ay dahil sa kanyang pagtulak kay Phoenix Suns center Deandre Ayton mula sa likuran.

Ang suspensyon ay nagkakahalaga ng $268,966 (halos P15.2 milyon) kay Beverley.

“The suspension was based in part on Beverley’s history of unsportsmanlike acts,” wika ng NBA sa isang statement.

Ito ang ikalawang pag­­kakataon na sinuspinde si Beverley dahil sa pag­tulak sa isang player mula sa likuran.

Ginawa rin niya ito ha­bang naglalaro para sa LA Clippers laban kay Suns’ guard Chris Paul.

Show comments