^

PM Sports

Curry, Wiggins nagtulong sa panalo ng Warriors

Pang-masa
Curry, Wiggins nagtulong sa panalo ng Warriors
Iniwanan ni Stephen Curry ng Warriors si Immanuel Quickley ng Knicks para sa kanyang layup.

SAN FRANCISCO — Kumolekta si Stephen Curry ng 24 points, 10 assists at 6 rebounds habang may 20 markers si Andrew Wiggins para ibigay sa nagdedepensang Golden State Warriors ang 111-101 panalo kontra sa New York Knicks.

May 7-9 record ngayon ang Warriors kasama ang 0-8 marka sa road games.

Umiskor din si Klay Thompson ng 20 points kasama ang apat na 3-pointers at may 13, 12 at 10 markers sina Jordan Poole, JaMychal Green at Draymond Green, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Julius Randle ang Knicks (8-8) sa kanyang 20 points kasunod ang 18 markers ni RJ Barrett.

Sa Washington, tumipa si Bradley Beal ng 27 points at nagposte si Kristaps Porzingis ng 20 points at season-high 17 rebounds sa 117-106 overtime win ng Wizards (9-7) sa Miami Heat (7-9).

Sa Cleveland, humataw si Darius Garland ng 41 points at may 34 markers si Donovan Mitchell sa 132-122 double overtime win ng Cavaliers (9-6) sa Charlotte Hornets (4-13).

Sa Philadelphia, humakot si Joel Embiid ng 32 points, 11 rebounds at 8 assists sa 110-102 pagdaig ng 76ers (8-7) sa Milwaukee Bucks (11-4).

 

 

ANDREW WIGGINS

STEPHEN CURRY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with