^

PM Sports

Maroons wagi sa Falcons sa OT

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglatag ng matin­ding puwersa ang Univer­sity of the Philippines para pigilan ang Adamson University sa pamamagitan ng 87-78 overtime win at maikonekta ang ka­­nilang ikala­wang sunod na panalo sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naging matibay na sandalan ng UP si Season 84 Mythical Team member Zavier Lucero na kumana ng 15 points kasama ang 7 rebounds at 4 assists.

Kumolekta naman si Malick Diouf ng 13 markers, 12 boards, 4 assists, 4 blocks at 3 steals.

Nagrehistro si Terrence Fortea ng 12 points at nag-ambag ng 11 mar­kers si Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo para sa Fighting Maroons na napatatag ang kapit sa liderato bitbit ang 2-0 baraha.

Nangibabaw para sa Soaring Falcons si Jerom Lastimosa na bumanat ng 25 points, 6 boards at 6 assists.

Nahulog ang Adamson sa 0-2 marka.

Sa unang laro, ginu­lat ng University of the East ang Far Eastern Uni­versity, 76-66, para wa­­kasan ang kanilang 15-game losing slump.

Ito ang unang panalo ng Red Warriors sa liga sapul noong Oktubre 30, 2019 kung saan nila pina­dapa ang National Uni­ver­sity Bulldogs, 79-77.

Tumaas ang baraha ng UE sa 1-1, habang na­laglag ang FEU sa 0-2 kartada.

“Mayroon lang kaming lapses down the stretch but still the bottom line is the game plan was followed,” sabi ni Red Warriors’ coach Jack Santiago.

Humataw si Kyle Paranada ng 25 points bukod sa 5 limang assists para banderahan ang UE.

Nasayang naman ang iniskor na 15 points ni Patrick Sleat para sa Ta­ma­raws.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with