^

PM Sports

Time For Glory nagpakain ng alikabok

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakitang-gilas ang kabayong Time For Glory matapos manalo sa Golden Girl’s Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas noong Linggo.

Nanood ang Time For Glory ng bakbakan sa una­han ng Mommy Caring at Raintree Starlet mula sa malayong tersero.

Nang masigurong pagod na ang dalawang naglulutsahan sa unahan ay sinimulan na ni jockey Mark Angelo Alvarez ang pag-atake ng Time For Glory.

Umusad papalapit sa unahan ang Time For Glory habang pumapasok sa huling kurbada at pagsapit ng rektahan ay kuha na ng winning horse ang bandera.

Nanalo ang Time For Glory na may dalawang ka­­bayo ang agwat sa pu­mangalawang Raintree Starlet.

Inirehistro ng Time For Glory ang tiyempong 1:38 minuto sa 1,600 me­ter race sapat upang sik­watin ang premyong P300,000 sa event na su­portado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pa­mu­muno ni chairman Reli De Leon.

Nasilo ng second pla­cer na Raintree Starlet ang P112,500, tersero ang Downsideprotection na sumungkit ng P62,500 at ikaapat ang Mommy Ca­ring na nagbulsa ng P25,000.

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with