^

PM Sports

POC handa sa 2023 Cambodia SEAG

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para mapalakas ang tsansa sa gold medal sa 32nd Southeast Asian Games ay maglalahok ang Philippine Olympic Committee (POC) ng mga atleta sa mga events na nilalaro ng host Cambodia.

Kabilang rito ang fin swimming at ang Cambodian native martial art na kun bokator na may nakalatag na 24 at 21 gold medals, ayon sa pagkakasunod.

Determinado ang Cambodia na maging overall champion sa kanilang pamamahala sa 2023 SEA Games sa Mayo 5-16 matapos magkampeon ang host Vietnam noong nakaraang taon.

Naghari rin ang Pilipinas sa biennial event noong 2019 bago bumagsak sa fourth place sa sumunod na edisyon sa Vietnam sa nahakot na 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals.

Sa 2023 Cambodia SEA Games ay nilimitahan ang 10 pang member countries sa 70 porsiyentong partisipasyon sa mga events sa combat sports.

Magtatakda ang POC ng face-to-face meeting sa hanay ng mga National Sports Associations (NSAs) upang panalisahin ang bilang ng mga atletang bubuo sa Team Philippines para sa 2023 Cambodia SEA Games.

SEAG

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with