^

PM Sports

Sotto, 36ers hari sa NBL Blitz preseason

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtutungo ang Ade­laide 36ers sa United States para sa friendly games kontra sa NBA teams at dadalhin sa NBL regular season ang magandang momentum matapos pagharian ang NBL Blitz Loggins-Bruton Cup preseason games sa Darwin, Australia,

Naisakatuparan ito ng 36ers sa tulong ni 7-foot-3 Filipino pride Kai Sotto na ipinagpag ang limitadong aksyon sa unang dalawang laro sa magandang performance sa kanilang huling duwelo.

Naglista ng 6 points, 1 rebound at 1 steal si Sotto kabilang ang mga krusyal na baskets sa 84-77 panalo ng Adelaide sa Illawarra Hawks para sa 3-0 season sweep.

Unang tinalo ng Ade-laide ang South East Melbourne Phoenix, 84-76, at isinunod ang Tasmania JackJumpers, 87-79.

Sa kabila nito ay kinaila-ngan pa ng Adelaide ng tulong mula sa Melbourne United (2-1) matapos ang 80-67 panalo sa Brisbane Bullets (2-1) upang mapurnada ang parehong 3-0 baraha.

Bukod sa pares ng tune-up games kontra sa Phoenix Suns at Oklahoma City Thunder ay malaking tulong ang preseason championship ng Adelaide sa paghahanda sa regular season.

Tumapos sa seventh place ang 36ers noong nakaraang season hawak ang 10-18 marka kaya siguradong gigil na makabawi ngayon upang makapasok sa playoffs.

Sa Oktubre 1 lalarga ang NBL subalit sa Oktubre 13 pa ang unang salang ng 36ers kontra sa Tasmania.

Ito ang magiging ikalawang season ni Sotto sa NBL.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with