Don Julio at Declare For Flare muling magkikita sa pista

Sa Philracom ‘Klub Don Juan De Manila Cup’

MANILA, Philippines — Magkikita sa pista sina Don Julio at Declare For Flare matapos nilang magkumpirma ng paglahok sa 2022 PHILRACOM “Klub Don Juan De Manila Cup” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Oktubre 2.

Maliban kina Don Julio at Declare For Flare ang ibang nagkumpirma ng paglahok sa nasabing stakes race ay sina Calamian Island, Kaboom, Marilag at Speed Fantasy.

May distansyang 1,800 meter race, nakalaan ang guaranteed prize na P1mil­yon na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000, ibubulsa naman ng second placer ang P225,000 habang tig P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Susungkitin naman ng breeder ng winning horse ang P50,000, tig P30,000 at P20,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. 

Show comments