^

PM Sports

Reyes prayoridad ang Gilas kesa sa TNT

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni coach Chot Reyes na ang Gilas Pilipinas ang kanyang prayoridad sa kabila ng inaasahang sabay na iskedyul ng national team at ng kanyang club squad na TNT Tropang Giga simula sa susunod na linggo.

“Gilas is the top priority,” ani Reyes matapos ang 87-74 panalo ng reigning champion TNT kontra Magnolia sa Game Six ng semifinals upang makabalik sa finals ng PBA Philippine Cup.

Sa ngayon ay nag-aabang pa ng kalaban ang TNT sa pagitan ng sister team na Meralco at karibal na San Miguel para sa PBA finals na magsisimula sa Biyernes.

Sa kabilang banda ay nakalinya ang Gilas sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Agosto 25 kontra sa Lebanon sa Beirut at sa Agosto 29 laban sa Saudi Arabia dito sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bagama’t ang iskedyul ng PBA finals ay hindi tatama sa mismong mga laro ng qualifiers ay magkakasabay naman ang preparasyon ng TNT at national team para dito.

Kagabi ay inaasahang nagsimula na ang ensayo ng Gilas para sa halos dalawang linggong preparasyon.

Sa Huwebes naman ina­abangang darating sina Kai Sotto at Jordan Clarkson upang magsilbing reinforcements ng Gilas na binubuo nina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Bobby Ray Parks Jr., Kiefer at Thirdy Ravena.

Pagkatapos ng Game 7 ng semifinals sa Miyerkules ihahayag ang dagdag na mga PBA players mula sa mga koponang hindi aabot sa All-Filipino finals.

Kung paano ang magi­ging set-up sa Gilas coaching post ay hindi pa malinaw sa ngayon habang wala pang anunsyo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Bukod kay Reyes, nasa coaching staff din ng Gilas sina Tim Cone,  Jong U­ichico, Goldwin Monteverde, Josh Reyes at Nenad Vucinic na minsang nag-coach sa third window ng Qualifiers.

Sa TNT naman, nasa coaching staff ni Reyes sina Josh, Bong Ravena, Sandy Arespacochaga, Mau Belen, Yuri Escueta at Ranidel de Ocampo. 

CHOT REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with