^

PM Sports

Cuajao nagtawid-bakod sa Letran

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtawid-bakod na naman si dating University of Santo Tomas standout Deo Cuajao sa pagkakataong ito sa Colegio de San Juan de Letran.

Si Cuajao ang hahalili sa maiiwang puwesto ni Rhenz Abando na nagpasyang lisanin na ang collegiate level para maglaro sa professional league sa South Korea.

Galing si Cuajao sa kampo ng De La Salle University.

Ayon sa ilang ulat, nakapag-enroll na si Cuajao sa Letran noong Biyernes.

Kaya naman mananatili ang bagsik ng Knights para sa kampanya nito sa NCAA men’s basketball tournament.

Malalim ang karanasan ni Cuajao na dating miyembro ng Growling Tigers sa ilalim ni veteran coach Aldin Ayo.

Subalit umalis si Cuajao sa UST matapos pumutok ang kontrobersiyal na Sorsogon bubble noong kasagsagan ng pandemya.

Lumipat ito sa La Salle kung saan nagkaroon lamang ito ng limitadong playing time.

Dahil transferee, masisilayan sa aksyon si Cuajao sa NCAA Season 99 kung saan may tatlong taon pa itong gugugulin sa kampo ng Knights.

Malaking tulong si Cuajao matapos mag-pro si Abando.

Itinanghal na Rookie-MVP si Abando sa katatapos na season ng NCAA kung saan tinulungan nito ang Knights na makopo ang kampeonato.

Isang taon lamang nakapaglaro si Abando sa Letran dahil pumirma ito ng kontrata sa Anyang KGC para maglaro sa 2022 Korean Basketball League sa South Korea.

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with