^

PM Sports

Coo uupong OIC ng PSC

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Si dating national bowler Olivia “Bong” Coo ang inaasahang tatayong officer-in-charge ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos manumpa kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang Commissioner noong Huwebes.

Ngunit kailangan pa ni Coo ng official order mula sa Malacañang bago saluhin ang nasabing posisyon mula kay PSC OIC at executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Hanggang kahapon ay wala pang iniluluklok ang Presidente bilang kapalit ni William ‘Butch’ Ramirez sa PSC chairmanship maging ang tatlo pang Commissioners.

Tinutulungan ni dating Gintong Alay project director at ngayon ay Laoag City Mayor Michael Keon si Marcos sa pagpili ng tamang mga taong uupo sa sports agency.

Sa pamamahala ni Ramirez sa PSC ay nakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic Games gold medal mula kay national weightlifter Hidilyn Diaz.

PSC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with