^

PM Sports

Team Philippines tumapos sa 5th place sa ASEAN Para Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas magandang kampanya ang ipinakita ng Team Philippines sa pagtatapos ng 11th ASEAN Para Games sa Indonesia.

Humakot ang mga Pinoy athletes ng kabuuang 28 gold, 28 silver at 47 bronze medals ng Team Philippines at pumuwesto sa fifth place sa regional meet at tabunan ang nakolektang 20 golds, 20 silvers at 29 bronzes noong 2017 Malaysian edition.

Mas marami rin ito kesa sa nahablot na 24-24-26 medals noong 2009 edition.

“Ito ay patunay na para sa atletang Pilipino ay walang anumang balakid o kakulangan ang makakahadlang kung ang nakataya ay karangalan ng bayan,” ani PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo.

Isang grand heroes’ welcome ang ibibigay ng PSC sa delegasyon sa kanilang pag-uwi ngayong araw.

Si FIDE Master Sander Severino ang hinirang na most bemedaled athlete sa kanyang hinakot na 4 golds at 2 silvers sa 11-nation sportsfest.

May tig-tatlong ginto naman sina swimmers Ariel Joseph  Alegarbes at Angel Otom habang may dalawa si rookie Marco Tinamisan.

Lumangoy ang mga national tankers ng kabuuang 12 gold medals.

 

ASEAN PARA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with