Trust fund para sa mga medalists

MANILA, Philippines — Sa wakas ay magka­ka­roon na ng isang spe­cial trust fund ang mga na­tional athletes na mana­nalo ng medalya sa mga Southeast Asian Games, Asian Games at Olympic Games.

Ito ang inihayag ka­­hapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Ab­raham “Bambol” To­len­tino matapos nilang ibi­gay sa mga Vietnam SEA Games medalists ang cash incentives.

“This trust fund is ano­ther milestone for the POC, it has never been done before and we are establishing the fund to motivate and inspire our athletes when they compete abroad,” ani Tolentino.

Nakakuha ang POC ng pondong P13 milyon mula sa ibinigay ng MVP Sports Foundation, San Miguel Corp. at Ulticon Builders, Inc. para sa in­sentibo ng mga atleta.

Sinabi ni Tolentino na gagamitin ng POC bi­lang seed money ang natirang P2 milyon mula sa ibinigay ng lnasabing mga principal supporters.

Ibinigay ng POC sa 227 Pinoy athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze me­dals mu­la sa Vietnam SEA Games ang kabuuang P11 milyon.

Ang P5.82 milyon ay para sa mga gold meda­lists at ang P3.2 milyon at P1.97 milyon ay para sa mga silver at bronze win­ners.

Show comments