^

PM Sports

Diaz napanatili ang SEAG crown golden lift!

Russell Cadayona - Pang-masa
Diaz napanatili ang SEAG crown golden lift!
Pomosisyon na si Hidilyn Diaz para sa kanyang pagbuhat ng ginto sa weightlifting event sa 31st SEA Games.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Tatlong gold medals ang inangkin ng Pilipinas sa pagpapalakas sa tsansa sa No. 3 spot sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games kaha­pon sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang idinagdag ni­na Tokyo Olympics cham­pion Hidilyn Diaz sa weightlifting at Fil-Ja­panese Shugen Nakano sa judo at ng Team Phi­lippines-Sibol sa esports.

Bumuhat ang 30-an­yos na si Diaz ng total lift na 206 kilograms mula sa 92kgs sa snatch at 114kgs sa clean and jerk para sa pagdedepensa ng korona sa women’s 55-kilogram event na kanyang dinomina noong 2019 Manila edition.

Tinalo ng tubong Zam­boanga City sina 20­16 Rio de Janeiro Olym­pics gold medal winner Sanikun Tanasan ng Thailand at Natasya Be­teyob ng Indonesia na may 203kgs at 188kgs, ayon sa pagkakasunod.

Ginulat ni Nakano si hometown favorite Ho­ang Phuc sa finals ng men’s -66kg category para itumba ang gintong medalya.

Kinolekta ng Team Phi­lippines-Sibol, binu­buo ng mga veteran pla­yers ng Blacklist Inter­national, ang gold sa Mo­bile Legends: Bang Bang ng esports.

Nauna nang nagreyna ang all-female Grindsky Eris sa Wild Rift.

Dadami pa ang me­dalya ng Pinas, nagtala ng 43 golds, 59 silvers at 80 bronzes, na nasa i­lalim ng overall champion Viet­nam (163-97-92), Thai­land (65-73-105), Indonesia (47-67-63) at Singapore (47-44-62).

Ito ay dahil sa tiyak na ng dalawang gold sa all-Pinoy finals nina men’s 9-ball singles winner Jo­hann Chua at Carlo Biado at women’s 9-ball singles titlist Rubilen Amit at Chezka Centeno ang kani-kanilang 10-ball finals.

Dagdag pa ang ginto sa finals match nina Pinoy netters Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon kontra kina Treat Huey at Ruben Gonzales sa men’s doubles.

Hangad din nina Tok­yo Olympic bronze me­­dalist Eumir Marcial (mid­dleweight), Rogen Ladon (flyweight) at Ian Clark Bautista (featherweight) ang ginto sa finals ng boxing.

Nagdagdag ng silver sina judoka Khrizzie Pa­bu­layan (women’s -52kg) at Carlo Von Buminaang (vovinam men’s 65kg) at kumolekta si tennis sen­sation Alex Eala ng tatlong bronze me­dals sa women’s singles, wo­men’s team event at mi­xed doubles.

Sa chess, sinikwat ni WGM Janelle Mae Frayna ang tanso sa women’s individual blitz.

Nagdagdag ng bronze ang women’s beach volleyball team nina Sisi Ron­dina, Bernadeth Pons, Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez at ang men’s squad nina Jude Garcia, Jaron Requinton, Krung Arbasto at Ranran Abdilla.

HIDILYN DIAZ

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with