^

PM Sports

Dragons palalakasin ni Goorjian

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalong lumakas ang Bay Area Dragons na sasa­lang sa East Asia Super League (EASL) at magsisilbing guest team sa 2022 PBA Commissioner’s Cup matapos kunin ang serbisyo ni legendary coach Brian Goorjian ng Australia.

Inihayag ng koponan ang pagpapapirma sa batikang mentor upang magtimon sa kanilang kampanya sa unang dalawang seasons ng inaugural EASL at sa PBA.

Ang 68-anyos na si Goorjian ang gumabay sa Australian national team sa bronze-medal finish sa nakaraang Tokyo Olympic Games.

Kilala rin si Goorjan bilang six-time champion at six-time Coach of the Year sa National Basketball League (NBL).

Mamanduhan ni Goorjian ang mga top free agent players ng Hong Kong, Mainland China, Chinese Taipei at Macau para sa Bay Area team.

Sa Pinas din muna ang magiging home court nila para sa EASL sa Oktubre na may home-and-away for­mat dahil sa mahigpit na travel restrictions sa Hong Kong.

Makakalaban ng Hong Kong sa EASL ang mga pambato ng PBA, Japan B.League, Korean Basketball League at P. League+ ng Chinese Taipei.

 

BAY AREA DRAGONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user