^

PM Sports

Bucks, Warriors kasado na sa conference semis

Pang-masa
Bucks, Warriors kasado na sa conference semis
Dumakdak si Bucks star Giannis Antetokounmpo la­ban sa Bulls defenders sa Game Five.

MILWAUKEE — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 33 points at 9 rebounds para banderahan ang nagdedepensang Bucks sa 116-100 pagsibak sa Chicago Bulls sa Game Five ng kanilang Eastern Confe­rence first-round series.

Isinara ng Milwaukee ang kanilang serye ng Chicago sa 4-1 papasok sa conference semifinals kung saan nila haharapin ang Boston Celtics.

Winalis ng Celtics ang Brooklyn Nets, 4-0, sa kanilang sariling serye.

Tinalo ng Bucks ang Bulls ng tatlong sunod mula sa kanilang ave­­rage na 23.3 points bagama’t wala si injured Khris Middleton na may sprained medial colla­te­ral ligament sa kaliwang tuhod na nalasap sa fourth quarter ng Game Two.

Naglaro naman ang Chicago na wala sina two-time All-Star Zach LaVine (health and safety protocols) at Alex Caruso (concussion protocol).

Nalimitahan ng Bucks si DeMar DeRozan sa 11 points sa panig ng Bulls.

Kaagad kinuha ng Mil­waukee ang 34-18 abante sa first period patungo sa 91-78 pagbaon sa Chicago sa third quarter.

Sa San Francisco, isi­nalpak ni Stephen Curry ang isang layup sa huling 30 segundo para akayin ang Golden State Warriors sa 102-98 pagsibak sa Denver Nuggets sa Game Five ng kanilang Western Conference first-round matchup.

Tinapos ng Warriors sa 4-1 ang kanilang duwelo ng Nuggets.

Lalabanan ng Gol­den State sa conference se­mi­finals ang mana­naig sa first-round series ng Memphis Grizzlies at Minnesota Timberwolves.

Tumapos si Curry na may 30 points, 5 rebounds at 5 assists para sa Warriors.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with