Knights asam ang sweep sa Red Lions

MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang Letran Knights na mawalis ang elimination round  habang gusto ng San Beda Red Lions na masakmal ang No. 1 berth sa Final Four.

Magtutuos ang Knights at Red Lions ngayong alas-3 ng hapon matapos ang upa­kan ng Perpetual Help Altas at Emilio Aguinaldo Gene­rals sa alas-12 ng tanghali sa pagtiklop ng eliminasyon ng NCAA Season 97 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Bitbit ng Letran ang 8-0 record kasunod ang San Beda (7-1), Mapua (7-2), St. Benilde (5-4), Arellano (4-5), Perpetual Help (3-5), EAC (3-5), San Sebastian (3-6), Lyceum (2-7) at Jose Rizal (1-8).

Inaasahan ni coach Bonnie Tan na babanderahan ni Season 95 Finals MVP Fran Yu ang Knights sa pagsagupa sa Red Lions.

“Finals MVP siya so all eyes on him,” wika ni Tan kay Yu. “He’s our leader so I’m sure sa mga big games like this coming Friday, he’ll step up.”

 

Show comments