Miller ‘di na naman nakatapos ng event

MANILA, Philippines — Hindi na naman natapos ni Fil-American alpine skier Asa Miller ang kanyang ikalawang event para umuwing luhaan mula sa nakakadismaya niyang kampanya sa 2022 Beijing Winter Olympics.

Dahil hindi niya nakumpleto ang Run 1 ay hindi na siya nakasali sa Run 2 ng men’s slalom competition kinahapunan sa Yanqing National Ski Centre.

Isang DNF (Did Not Finish) results din ang nangyari sa 21-anyos na tubong Portland, Oregon sa giant slalom event ng 2022 Beijing Winter Olympics.

Mananatili si Miller sa Beijing para sa closing ce­remonies sa Linggo.

Show comments