Mika Reyes sa PLDT Home Fibr na

Mika Reyes.

MANILA, Philippines — Idinagdag ng PLDT Home Fibr si middle blocker Mika Reyes sa lineup nito upang palakasin ang kanilang front line sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Isa si Reyes sa mga naging free agents matapos magsumite ng leave of absence ang Sta. Lucia para sa 2022 season ng liga.

Ngunit hindi naging mahirap ang paglipat ni Reyes dahil agad itong sinunggaban ng High Speed Hitters.

“Unang-una, siyempre malaking factor ‘yung team composition kasi PLDT was looking for middles,” ani Reyes.

Masaya si Reyes sa kanyang bagong pamilya na mainit ang naging pagtanggap sa kanya.

“Tapos out of all teams that made an offer, sila Sir Bajjie [Del Rosario, team manager] ang talagang naramdaman ko who really wants me. Nagulat ako na sobrang interested sila na kunin ako sa team so I’m very grateful,” ani Reyes.

Muling makakasama ni Reyes sa PLDT si playmaker Rhea Dimaculangan na naging teammate nito sa ilang kampeonato ng Petron sa Philippine Superliga.

Makakasama rin ni Reyes ang mga dating Sta. Lucia players na sina Dell Palomata at Jovielyn Prado.

Nasa PLDT na rin sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Wendy Semana, Fiola Ceballos at Lhara Clavano at sina holdovers Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray.

Show comments