Sky Candy masusubukan sa pagbabalik ng karera

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ng aksyon sa pista na may pitong races ay masusubukan ang husay ng Sky Candy.

Nakatakdang sumalang ang Sky Candy sa Condition Race (17) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong araw kung saan mas  pagpapatupad ng mas maghihigpit sa protocols.

Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie B. Guce, mapapalaban ang Sky Candy sa mga tigasing kabayong Weather Lang, Bomod Ok Falls, Eugene Onegin, Sari Baby at Refuse To Lose sa event na may distansyang 1,400 meter race.

Nahinto ang karera bilang pagsuporta ng PHILRACOM sa panawagan ng gobyerno na mag-ingat sa muli ng pag-atake ng COVID-19.

“All stakesholder are strongly encourage to abide by all Department of Health (DOH) and Inter Agency Task Force (IATF) health and safety protocols to mitigate the spread of COVID-19 with the resumption of the races,” ayon sa inilabas na statement ng PHILRACOM.

Show comments