^

PM Sports

Pinoy muay team kumana ng 3 ginto

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humakot ang Pinoy muay thai squad ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya sa 2021 Online World Martial Arts Masterships.

Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Jan Anaban na namayagpag sa male shadow boxing under 18 class.

Tinalo ni Anaban sina silver medalist Ananca ng Peru, at bronze winners Schramm ng Germany at Klaska ng Czech Republic.

Nagparamdam din si Alyssa Mallari na kumana ng gintong medalya sa shadow box female under 16 division matapos gapiin sina silver medalist Ruben ng Trinidad and Tobago, at bronze meda­lists Alba Zari ng Palestine at Nava Rete ng Peru.

Nagdagdag ng ginto si Rhichein Yosorez makaraang pagreynahan nito ang female shadow box under 18 laban kina silver medalist Niri ng Israel, at bronze medalists Ro Shani ng Sri Lanka at Chae Kaew ng Thailand.

Nakapilak naman si Mary Grace Carluen sa shadow box female under 17 habang nakuha ni Olah ng Austria ang ginto, at tanso naman sina Otti Chova ng Czech Republic at Na Nan ng Trinidad and Tobago.

Naibigay ni Johnden Aldana Jr. ang isa pang pilak ng Pilipinas mula sa shadow box male under 16 habang nakatanso naman si Mckeen Lou Inojales sa shadow box male under 17.

 

MARTIAL ARTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with