_pang-masa
^

PM Sports

Brilliant move

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walang kasiguruhan na makukumpleto ng TNT Tropang Giga ang paggiba sa dating Philippine Cup five-peat champ San Miguel Beer.

Walang kasiguruhan na mararating ng Tropa ang finale at masusungkit ang kampeonato.

Si coach Chot Reyes ang unang magsasabi na mahirap at mahaba pa ang kanilang lalakbayin.

Isa lang ang napakalaking kasiguruhan – brilliant move ang paghugot ni coach Chot kay Kelly Williams mula sa retirement.

Walang puwedeng kumontra na big factor si Kelly sa pangunguna ng TNT sa karera para sa playoffs top seeding.

At walang duda na malaki ang ambag ng pagbabalik ni Kelly mula sa isolation sa turnaround ng Tropang Giga mula sa Game 4 blowout loss tungo sa Game 5 romp.

At ito ang nagbigay sa TNT ng pivotal na 3-2 kalamangan sa best-of-seven semifinal series.

Malaking karagdagang frontline material si Kelly para iharap kay June Mar Fajardo.

Patuloy na kakamada si June Mar pero may malaking pahirap na ibibigay sa kanya si Kelly.

Susi ang Fajardo-Williams sa matchup sa kahihinatnan ng TNT-SMB series.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with