Olympic boxers patapos na ang quarantine

MANILA, Philippines — Mananatili pa ng dalawang araw sina national boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Eumir Felix Marcial at Irish Magno isang hotel sa Tagaytay City kung saan nila nakatakdang tapusin ngayong araw ang mandatory seven-day quarantine.

Sinabi ni Magno, nasibak sa round-of-16 ng women’s flyweight division sa Tokyo Olympic Games, na sa Miyerkules pa sila lalabas ng hotel.

Ito ay dahil sa inaasahang ibibigay na Thanksgi-ving Mass sa kanila ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“After the seven-day quarantine, that would be August 16, we will have a Thanksgiving Mass, the boxers, Hidilyn (Diaz), and the rest will join us,” ani Tolentino sa naunang panayam.

Bukod kay Diaz na kumopo sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas ay binigyan din ni Tolentino ng house and lot sa Tagaytay City sina Petecio, Paalam at Marcial.

Bagama’t nasa quarantine ay tuloy pa rin ang pagpapakondisyon nina Petecio, Paalam, Marcial at Magno sa kani-kanilang mga kuwarto.

“Wala pa naman pong sinasabi kung kailan iyong next tournament po,” sabi ng tubong Janiuay, Iloilo na si Magno.

 

Show comments