Marcial inaasahang makakaharap uli ang mga nakalaban sa Olympics

Ang mga Phl boxers pauwi ng Pinas.
POC photo

MANILA, Philippines — Inaasahan ni Olympic bronze medalist Eumir Felix Marcial na makakalaban rin niya sa professional boxing ang mga nakaharap niya sa Tokyo, Japan.

Ilan rito ay sina Tokyo Olympics gold medal winner Hebert Sousa ng Brazil, silver medalist Oleksandr Khyzhniak ng Uzbekistan, semifinalist Gleb Bakshi ng Russia at Arman Darchinyan ng Armenia.

“Hindi malabong mangyari na magkalaban kami ulit,” sabi ng middleweight na si Marcial. “Pero ‘yung sa pro, alam natin na iba-iba ‘yung promoter, so malalaman na lang po natin.”

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay lumagda ang 25-anyos na si Marcial sa MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao at kasalukuyang estudyante ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Natalo si Marcial kay Khyzhniak sa semifinals ng Tokyo Olympics para makuntento sa bronze medal.

Habang nasa Tokyo ay naging kaibigan ng tubong Zamboanga City si Sousa na may balak umakyat sa pro boxing.

Show comments