_pang-masa
^

PM Sports

Petecio may pinaglalaanan sa makukuhang bonus

Russell Cadayona - Pang-masa
Petecio may pinaglalaanan sa makukuhang bonus
Nesthy Petecio.

MANILA, Philippines — Nang masuntok ni light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. ang silver medal sa Olympic Games noong 1996 sa Atlanta, USA ay maraming negosyante at pulitiko ang nangako ng cash incentives sa kanya ngunit hindi niya ito nakuha lahat.

Ayaw naman itong maranasan ni Nesthy Petecio na nakuntento sa silver medal matapos matalo kay Japanese Sena Irie sa Tokyo Olympics women’s featherweight finals kamakalawa.

“Siguraduhin ko po muna, kasi iyong lahat ng iyon para po sa pamilya ko,” ani Petecio sa matatanggap niyang cash incentives. “May nakalaan na po lahat iyon, planado ko na po.”

Base sa  Republic Act 10699, tatanggap si Petecio ng insentibong P5 milyon para sa kanyang Olympic silver medal at tig-5 milyon rin mula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation at P2 milyon ang ibibigay ni House Deputy Speaker Mikee Romero.

Binigyan rin ang 29-anyos na lady fighter ng 60,000 lifetime Mabuhay Miles ng Philippine Airlines (PAL) at unlimited flights sa loob ng limang taon ng Air Asia.

Tatanggap din ang tubong Sta. Cruz, Davao del Sur ng condominium unit mula sa Megaworld Corp. sa Lanang, Davao City na nagkakahalaga ng P10 milyon at isang house and lot sa Candelaria, Quezon galing sa Ovialand na may presyong P2.5 milyon.

“Sana, sana makuha ko or matanaw ko man lang. Kahit paamoy man lang,” biro ni Petecio.

Inaasahan pang makakakuha siya ng mga endorsements kagaya ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with