_pang-masa
^

PM Sports

Gilas pang-4th sa Jordan tourney

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Yumukod ang Gilas Pilipinas sa Tunisia, 68-80, upang magkasya lang sa ikaapat na puwesto sa 2021 King Abdullah Cup sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan kamakalawa ng gabi.

Nasayang sa kabiguan ng Gilas ang 14 puntos at 12 puntos nina Carl Tamayo at SJ Belangel, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ng Gilas ang torneo sa tatlong sunod na pagkatalo matapos yumuko sa Jordan Team A sa dulo ng elims, 84-72, at sa semifinals, 84-74.

Sa kabuuan, nmay tatlong panalo ang Gilas kontra Saudi Arabia, 77-61, Jordan Team B, 90-63, at Tunisia, 74-73, sa elimination round ng six-team pocket tournament.

Kampeon ang host at second-seeded na Jordan Team A sa King’s Cup matapos ang 93-71 tagumpay kontra sa numero unong Egypy sa one-game finals.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with