_pang-masa
^

PM Sports

Chinese coach ni Diaz hindi makakakuha ng incentives

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil isang foreign coach ay hindi kuwalipikado si Chinese Gao Kaiwen sa cash incentives mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa kabila ng paggiya niya kay Hidilyn Diaz para sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

Ayon kay PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, tanging ang mga Pinoy coaches lamang ang bibigyan ng insentibo kapag nanalo ang kanilang atleta sa mga international competitions kagaya ng Olympics.

Sa kaso ni Gao, si Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na ang bahala para sa kanyang cash incentive.

“Foreign coach are not entitled to incentives under the law but may be there will be a special arrangement with SWP and PSC but I don’t know the details yet,” wika kahapon ni Iroy.

Sa Section 9 ng Republic Act 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”, ang atletang makakakuha ng Olympic gold ay bibigyan ng insentibong P10 milyon, sa silver ay P5 milyon at sa bronze ay P2 milyon.

“The incentives for the coaches shall be equivalent to fifty percent (50%) of the cash incentives for gold, silver and bronze medalists. In case of more than one (1) coach, the cash incentives shall be divided among themselves,” ayon sa Section 9 ng RA 10699.

Kasama ni Gao sa paggiya kay Diaz sa Olympic gold si strength and conditioning coach Julius Naranjo, isang Fil-Japanese na ipinanganak sa Guam.

Wala pang katiyakan kung makikita pa sa tropa ni Diaz si Gao sa susunod na taon dahil magtatapos ang kontrata nito sa Dis-yembre 31, 2021.

Kasama ni Diaz sina Gao at Naranjo sa seven-day mandatory quarantine sa Sofitel Hotel matapos silang umuwi sa bansa noong nakaraang Miyerkules.

“Dapat mag-i-extend siya hanggang December. Pero gusto na niyang umuwi para makasama ang pamilya niya,” ani Diaz sa kanyang Chinese mentor.

Nagsimulang igiya ni Gao si Diaz noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan binuhat ng tubong Zamboanga City ang gold at noong 2019 Phi-lippine Southeast Asian Games.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with