_pang-masa
^

PM Sports

Obiena pasok sa finals

Nelson Beltran - Pang-masa
Obiena pasok sa finals

TOKYO — Umabante si Ernest John Obiena sa finals ng men’s pole vault competitions ng 2020 Tokyo Olympics kahit muntikan nang mabi-gong makalusot sa qualification round kahapon sa National Stadium.

Nilundag ni Obiena ang 5.75 meters sa kanyang third at final attempt para tumapos na pang-10th mula sa top 12 qualifiers at makasikwat ng tiket sa medal round.

“Thank you for all your prayers after some nerve wracking moments,” wika ni Obiena sa kanyang Facebook page.

Nabigo ang 6-foot-2 Pinoy bet na lundagin ang 5.75m sa una niyang dalawang talon bago niya ito nagawa sa kanyang final attempt. “I didn’t feel like myself until the bar moved at 5.75m at first attempt. Then I moved back to my coach, and I don’t want to be very negative about it,” sabi ng batang Tondo.

Bago ang dalawang fouls ay magaang na nakuha ni Obiena ang 5.50m at 5.65m. Nakatakda ang finals sa Martes kung saan pupuntiryahin ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang ikalawang Olympic gold ng Pilipinas matapos si weightlifter Hidilyn Diaz.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with