_pang-masa
^

PM Sports

Petecio sigurado na sa bronze medal

Nelson Beltran - Pang-masa
Petecio sigurado na sa bronze medal
Nesthy Petecio

TOKYO — Dalawang araw matapos ang pagkopo ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas ay tumiyak si lady boxer Nesthy Petecio ng bronze medal para sa unang multi-medal Olympic showing ng Pinas sa nakaraang 89 taon.

Niresbakan ni Petecio ang tumalo sa kanya sa 2018 World Championships  na si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia via unanimous decision win papasok sa semifinals ng women’s featherweight division ng Tokyo Olympics boxing kahapon sa Kokugikan Arena.

Sa pagpasok ni Petecio, nagreyna noong 2019 AIBA World Championships, sa semifinals ay sigurado nang may Olympic medal ang boxing sapul nang manalo ng silver si Mansueto ‘Onyok’ Velasco noong 1996 Atlanta Olympics.

“Masaya ako nakabawi ako sa kanya (Castaneda), at masaya ako sa first Olympics ko, may medal ako,” ani Petecio na kumuha ng inspirasyon sa panalo ni Diaz noong Lunes.

Ang panalo rin ni Petecio ang tumiyak sa multi-medal harvest ng Team Philippines sa Olympics matapos ang tatlong medals nina trackster Simeon Toribio, boxer Jose Villanueva at swimmer Teofilo Yldefonso noong 1932 Los Angeles edition.

Lalabanan ni Petecio si Irma Testa ng Italy sa semis sa Sabado para makatiyak ng silver medal at makalapit sa ikalawang Olympic gold ng bansa sa Tokyo.

Samantala, sasagupain ni middleweight Eumir Felix Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria ngayong alas-10:48 ng umaga (Manila time) at haharapin ni flyweight Irish Magno si Thai bet Jutamas Jitpong sa alas-12:24 ng tanghali sa round-of-16.

 

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with