Rule umusad sa semis
TOKYO — Pasok si Remedy Rule sa semis ng women’s 200m butterfly bilang ika-15 sa kanyang oras na 2:12.23 sa pagpapatuloy ng heats sa swimming competition ng Tokyo Olympics sa Tokyo Aquatics Center.
Bigo naman si Luke Gebbie na makasama sa semis ng men’s 100m freestyle bilang pang-36 sa isinumiteng 49.64 segundo na sumira sa Phl record niyang 49.94 segundo.
Wa namang nagawa si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe kundi isuko ang desisyon kay Cristina Cabana Perez ng Spain matapos ang 38 segundo lamang na labanan sa round-of-32 ng women’s -63 kilogram division kahapon sa Nippon Budokan.
Ang pinakahuling Pinoy na sumalang kagabi na si Elreen Ando ay minalas sa medalya nang magtapos sa No. 7 sa kanyang total lift na 222kg mula sa 100kg sa snatch at 122kg sa clean and jerk sa women’s 64kg ng weightlifting.
- Latest